Tuesday, June 3, 2008

Hayskul Layp

Ayon sa kanta ni Sharon Cuneta na Hayskul Layp, ito ay ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang magaaral. Subalit ng ako ay tumungtong na sa hayskul ay doon na din nagsimula ang madilim na kabanata sa buhay ko. Nagsimula akong magkaron ng limpak na limpak na problema, naging kolektor ako ng bagsak, naging apple of the eye ng mga titser at naging tinatawag na problem child. Masaya ba ako? kung titignan ng isang ordinaryong tao ayon sa aking mga nabanggit, masasabi nilang ang buhay ko ay malungkot subalit sila ay mali kasi ito ay sobrang saya. Sa tuwing sasapit ang kuhanan ng kard, ako ay sobrang kinakabahan at ang aking pakiramdam ay nakasalang ako sa harap ni Randy, Paula at Simon ng American idol at naghihintay ng aking mga grade na pang blacksmith kasi puro palakol. Kahit kailan sa aking buhay ay hindi pa pumupunta ng aming eskwelahan ang aking nanay sa kadahilanang ayaw niyang marinig na pinupuri ako ng aking mga mababait na guro, kaya ang tanging pumupunta ay ang aking tita. Lahat ng papuri sa akin ng guro mapasama man o mabuti ay kanyang tinatanggap ng buong galak, pagkatapos na ako ay sermonan ng aking guro ay siya naman sabay sabi "lagot ka mamaya sa mama mu pagdating natin, susumbong kita" oh shit! three hit combo. Kung baga sa street fighter "Awesome!". Usong uso sa aming silid aralan ang tinatawag na Paluwagan, sabi nila tinuturuan daw nito ang mga bata na makapagipon habang bata pa, subalit sa kin palagay ay tinuturuan nito na ang bata ay matuto ng maaga upang maging balasubas at magulang. har har. Araw araw ay kinakailangan kaming maghulog ng sampung piso sa may hawak ng pera para sa darating na biyernes ay may makukuhang pera ang nakatokang sasahod. Ngunit ito ang mga style ng iba, kapag siningil na sila ng kanilang klasmeyt ay ganito ang sasagot nila "Ge, bukas na para pangdalawang araw. 20 pesos db?", tapos kapag siningil kinabukasan ay iba naman ang kanyang sagot "Sa friday na tsong para buo na, wala akong barya e". Talaga nga naman oh, napakahusay lumusot, parang nakababatang kapatid ni Palos "Palos-ot". Siguro mga anim na beses ako nakasali sa Pasikipan, ay Paluwagan pala pero alam ba ninyo na isang beses lang ako nakasahod ng buo? Lahat ng klasmeyt ko kapag siningil mo ay sasabihin lang sayo ay "Pamasko mo na lang sakin yun".

Nauso din dati ang tinatawag na FLAMES para sa mga couple o loveteam ng klasrum, ang mga baabe ay kilig na kilig kapag finiflames sila sa crush nila at nakapikit pa ang mata hab ang nagaabang ng resulta kung ito ba ay F para sa fwede L para sa labo A para sa awts M para sa maari E para sa ewan at S para sa sure. Pero kapag nalaman nila na ang resulta ng kanilang flames ay masama ay kukumbinsihin nila ang kanilang sarili na "Flames lang anamn yan e, di naman totoo yan." Subalit kapag maganda naman ang lumabas na resulta ay kilig na kilig at parang may batallion ng mga bulati sa pwet.

Boring

Boring naman! Yan ang aking nararamdaman sa aking kung tawagin nila ay "homebased job". Kung titignan ng mabuti ang dating ko ay si Jose Rizal na nakulong sa Dapitan na walang ibang ginawa kundi sumulat ng sumulat ng akda ukol sa mga espanyol na kumag, parang ganun din sakin yun nga lang minsan lang ako nakakasulat dito sa blog ko kasi nga may trabaho akong kailangan gawin. Hindi pagtira sa mga espanyol ang aking unang layunin kundi ang kumita ng pera at siyempre matuto ng makabagong mga gawain tungkol dito sa pinasok kong trabaho. Ang pagbabasa ng tone-toneladang tutorials sa internet at pagbabasa ng walang humpay na mga forums ng mga nagmamagaling na tao ang aking ginagawa araw-araw at sinusubukan iapply ito sa aking mga "BLOG". Ang aking kwarto ngayon ay hindi mu na matatawag na Bedroom, magdadalawang isip ka pa upang masabi mo ngang ito ay bedroom sapagkat ito ay aking pinaconvert na sa Office, opisina na ang aking kwarto, dito ko ginugugol ang aking buhay sa loob ng sampung oras ang tangi ko lamang pahinga ay kapag iinom ako ng malamig na tubig sa aming prijider. Pagtungtung ng ika-lima ng hapon automatic na ang aking paggawa ay hinto at sisimulan ko ng harapin ang pinakamatinding hamon sa aking pagkalalaki, ang paglalaro ng ragnarok.

Upang labanan ang aking pagkabored sa loob ng sampung oras, nagpapatugtog ako sa Windows Media Player11 ng mga paborito kong kanta. Siyempre RNB, hoy hindi yun Rap Ng Bisaya tulad ng nabanggit ko sa una kong nasulat. Rythm Nd Blues yan ang paborito ko, halos mamaos na nga ang boses nila Neyo, Florida, Chris Brown, Akon, T-pain at marame pang mga rapper na malalaki ang katawan na kala mo mga wrestler sa Smackdown at RAW. Pagdating naman ng hapon ay nagiiba na ko ng genre ng kanta, pumupunta naman ako sa mga love songs. Ill be ni kuya Edwin, Lips of an angeL ni Mang Hinder at madami pang iba. Upang mapawi naman ang aking uhaw ay lagi akong nagtitimpal ng malaking Milo at tulad nga ng sinasabi ni Sharlene Gonzales sa commercial niyang Marvel Taheebo "ginagawa ko ng ngang tubig". Hindi ba ninyo alam na ang milo ay mabuti sa ating katawan? Bakit? kasi it has more malt para maging active ang ating body sa ating daily activities na kinakailangan upang hindi agad tayo mapagod. Malaki talaga ang impluwensiya sa atin ng mga commercials kitang kita naman sa mga sinusulat ko di ba? Buti na lang at may blog ako upang maging libangan ko kung nakakaramdam ako ng pagkabagot.