Monday, December 17, 2012

Mapapamahal o Mapapamura?

Naglabas ng resolution nung Sabado ang NTC (National Telecommunications Commission) na mas pinababa na daw ang rate ng pagtawag gamit ang inyong mga cellphones o voice calls. Good News ba o Bad News? Depende na rin siguro sa tao, pabor to sa mga taong mahilig tumawag o tamad magtext at wala naman pakialam sa resolution ito ang mga kababayan natin na nagpapaload lang dahil pangunli nila at makapagtext to death hanggang mag hang ang kanilang mga cellphone at kulang na lang ay magreklamo ito at sigawan ang mga users na "Hoy tantanan mo naman ako".


Nasabing ang Pilipinas daw ang text kapital of the world.. Kailangan nga ba tayo na matuwa dito o mabahala? Sa tingin ko 50-50.. Bakit kamo? Matuwa kasi atleast kahit papano hindi lang kilala ang Pilipinas dahil sa terorismo at mga piracy kundi dahil din sa pag kaadik ng mga pilipino sa pagtetext. Nakakangamba kasi maraming din krimen ang nagaganap ng dahil lang sa text madame ang naabuso na mga kabataan babae ng dahil sa text o yung tinatawag nilang "textmate".

Sana matuto ang mga kababayan natin na maging responsable sa pag gamet ng nasabing gadget o teknolohiya.


No comments: