Monday, December 17, 2012

Android OS Jelly Bean

Palaos na ang ICS o yung tintawag nilang Ice Cream Sandwich OS ng Android, pero alam nyo bang meron akong kaibigan na kahit di naman siya cellphone at di rin naman siya tablet pero siya ay kung tawagin ko ay Jelly Bean? Jelly bean ay ang susunod na OS ng android kasunod ng ICS, Bakit ngapala naging Jelly bean ang kabigan ko? kasi unang una hindi naman summer pero ang kulit ng attire niya laging siyang nakasalbabida kaso sa loob nga lang ng damet, lagi siyang parang kubrador ng Jueteng kasi meron siyang belt bag sa ilalim ng kamiseta niya na nakaumbok, para siyang ninja turtles kaso ung shell niya nasa harapan at huli sa lahat para siyang unang tao kasi sa kanya nagmula ang Alamat ng Pakwan.

Bakit ngapala lumalaki ang tiyan ng isang tao? Una, kasi marahil madame siya kung lumamon (take note: ginamet ko talaga ang superlative ng kain para mas maunawaan ninyo), Pag kalamon nya uupo siya agad na parang oso bear o kung tawagin nilang Polar Bear, pangatlo, matutulog siya na parang isang patabaing baboy at panghuli, nasa lahi na nila ang katabaan.

Para di lumaki ang tiyan mo? Basahin mo ang SETUP para lang sa mga ATILITA na article ko. ciao.

No comments: