Monday, December 17, 2012

Baby Paks

Ang susunod na istorya ay rated PG patnubay ng magulang ay di kailangan.

Naisip ko lang gawan ng istorya ang isang babae sabihin na nating malapit sa puso ko, siya ang maganda (1 point) mabaet (totoo naman kahit gising) hindi maarte (mas lalaki pa sakin) at cool kasama (daig pa nasa north pole ako). Itago na lang natin siya sa namesung na VEA may deficiency kasi ako sa B at V. Isa siya sa mga libo libong babae na nagustuhan ko di lang dahil sa magagandang katangian na taglay nya kundi sa taglay nyang tikas at tindig. Pag nakaharap Joyce Pring, pag nakaside view Manny Pakyaw, pag nakatalikod Jorge Estregan Jr. aka Asyong Salongga. Sa totoo lang siya ang babaeng kaya sumabay sa kalokohan pero kung tatanungin ako kung gusto ko ba siya maging GF? ayaw kasi ayaw ko masira ang aming maganda samahan. hehe Joke lang yun ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ko ay kasi mukha siyang Boyfriend.

Peace Vea.. Salamat sayo!! Muah Muah muah

Quiapo Quaipo Quiapo!!! Ricto ricto ricto!

Android OS Jelly Bean

Palaos na ang ICS o yung tintawag nilang Ice Cream Sandwich OS ng Android, pero alam nyo bang meron akong kaibigan na kahit di naman siya cellphone at di rin naman siya tablet pero siya ay kung tawagin ko ay Jelly Bean? Jelly bean ay ang susunod na OS ng android kasunod ng ICS, Bakit ngapala naging Jelly bean ang kabigan ko? kasi unang una hindi naman summer pero ang kulit ng attire niya laging siyang nakasalbabida kaso sa loob nga lang ng damet, lagi siyang parang kubrador ng Jueteng kasi meron siyang belt bag sa ilalim ng kamiseta niya na nakaumbok, para siyang ninja turtles kaso ung shell niya nasa harapan at huli sa lahat para siyang unang tao kasi sa kanya nagmula ang Alamat ng Pakwan.

Bakit ngapala lumalaki ang tiyan ng isang tao? Una, kasi marahil madame siya kung lumamon (take note: ginamet ko talaga ang superlative ng kain para mas maunawaan ninyo), Pag kalamon nya uupo siya agad na parang oso bear o kung tawagin nilang Polar Bear, pangatlo, matutulog siya na parang isang patabaing baboy at panghuli, nasa lahi na nila ang katabaan.

Para di lumaki ang tiyan mo? Basahin mo ang SETUP para lang sa mga ATILITA na article ko. ciao.

Mapapamahal o Mapapamura?

Naglabas ng resolution nung Sabado ang NTC (National Telecommunications Commission) na mas pinababa na daw ang rate ng pagtawag gamit ang inyong mga cellphones o voice calls. Good News ba o Bad News? Depende na rin siguro sa tao, pabor to sa mga taong mahilig tumawag o tamad magtext at wala naman pakialam sa resolution ito ang mga kababayan natin na nagpapaload lang dahil pangunli nila at makapagtext to death hanggang mag hang ang kanilang mga cellphone at kulang na lang ay magreklamo ito at sigawan ang mga users na "Hoy tantanan mo naman ako".


Nasabing ang Pilipinas daw ang text kapital of the world.. Kailangan nga ba tayo na matuwa dito o mabahala? Sa tingin ko 50-50.. Bakit kamo? Matuwa kasi atleast kahit papano hindi lang kilala ang Pilipinas dahil sa terorismo at mga piracy kundi dahil din sa pag kaadik ng mga pilipino sa pagtetext. Nakakangamba kasi maraming din krimen ang nagaganap ng dahil lang sa text madame ang naabuso na mga kabataan babae ng dahil sa text o yung tinatawag nilang "textmate".

Sana matuto ang mga kababayan natin na maging responsable sa pag gamet ng nasabing gadget o teknolohiya.


FACUNDO PAKIBASA NGA

boom! Nauuso ngayon ang salitang Facundo bla bla bla.... Anu nga bang meron sa pahayag na yan? Nung una aaminin ko naiirita ako kasi nagmula ito sa mga bakla kong friends sa facebook! nung bandang huli natatawa na ako at sinubukan ko din gumamet nito. ito ang mga ilan sa mga naisip ko:

Facundo mag-saing ka na gamet ang rice cooker pero wag mo isasaksak sa power plug ah. Limliman mo ang rice cooker.

Facundo pakitanggal isa isa ung laman ng keyboard gusto ko alphabetical order kapag nagtype ako!

Facundo anung tagalog ng Orange na prutas madali! naiinip ako!

Facundo pakibuhat ang baka gusto ko ng fresh milk

Facundo pakisabi kay Corazon magsuot siya ng glow in the dark na relos kapag magseserve siya ng pagkain kapag gabi na.

Facundo paki braid nga ang hair mo sa dibdib tulad ng buhok ni Iverson

at madame pang iba.. too many to mention baka mamatay na si Facundo kapag madame akong intuos pa.