Ang tagpo sa aking buhay na hinding hindi ko makakalimutan,
Araw ng Sabado sa ganap na alas kwatro ng hapon sa may Funeraria Paz nagbago
ang pananaw ko sa lamay. Nung bata ako aaminin ko takot na takot ako pumunta sa
mga patay. Ano ba kasi ang mga dahilan ko; Una, baka mapanaginipan ko,
Pangalawa, baka biglang bumukas na lang yung mata ng patay, at ang huling
dahilan ay BAKA HINDI MASARAP ANG PAKAIN. Naalala ko tuloy bigla ang aming
kaopisina na walang pakundangan sa paglamon, ngasab at madameng tikim sa bawat
pagkaen na nakahain sa hapag sa gilid ng ataul.
Unang tagpo: MAMON baby!
Dumating sa Venue, umupo malapit sa lamesa na pinaglalagyan
ng pagkaen at nakipagkwentuhan, inaantay alukin ng namatayan na kumaen na.
Sabay ATTACK!
Pangalawang tagpo: PANCIT PANCIT habang mainit!
Habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan at inaalam ang
ikinamatay ng nakahiga sa ataul, si Sam naman ay kunwari tatayo at
makikipagkwentuhan sandali habang dahan dahang lumalapit sa mesa na punong puno
ng pagkaen. Sabay ATTACK!
Kahit anong gawin at sabihin mo basta nagugutom ang isang
tao. Galit galit muna!
No comments:
Post a Comment