Natatawa talaga ako kapag naririnig ko sa balita na nalalate si NOY sa mga meetings, appointments at kung anu anu pa.
CORY and NOY have in common, hahaha tama. hindi dahil parehas sila ng surname at hindi din dahil parehas silang presidente. Nasabi ko to kasi naman kung susuriin natin mabuti nitong nakaraang mga araw si NOY ay laging nalalate sa kanyang mga appointments. Una, ay yung imbitahan siya sa may CAMP Aguinaldo para sa pagpaparangal sa kanya ng mga sundalo sa AFP. Pangalawa ay yung binigyan ng Thanks Giving Mass ang mga kandidato na nanalo nung nakaraang halalan. Unang dahilan ng pagiging late ni NOY ay naipit siya ng trapik sa may Q. Ave (lahat naman ng taga maynila ay alam to, at imposibleng hindi nya alam yun) sa kadahilan na hindi siya gumamet ng WangWang at hindi nag counterflow ang kanyang convoy. Pangalawang dahilan napuyat siya at nagbrownout sa Timestreet. Naisip ko lang, dapat kung ikaw ay nakatira sa TimeStreet e dapat hindi ka nalalate bakit? kasi nga Time Street (Time Strict) ibig sabihin istrikto sa oras. hahaha.. kidding aside, ang isang pangulo ay nagsisilbi sanang magandang halimbawa sa kanyang mga nasasakupan at yung mga taong nakapailalim sa kanya.
Meron lang po akong suggestion mahal naming P.NOY, para po hindi na kayo nalalate, e bakit po kaya di na lang WangWang ang gamitin nyong alarm clock sa kwarto nyo at sigurado ako na magigising kayo.
THE LATE PRESIDENT CORAZON AQUINO (patay na) THE LATE PRESIDENT BENIGNO AQUINO III (buhay pa)
MAKE SENSE? ^_^
1 comment:
love it!
Post a Comment