Takte na yan, dahil sa Global Warming lahat na lang nagkakasakit dahil sa pabago bago ng panahon. Pati ba naman ang mga libro? Tsk tsk...
Hay nakakaawa talaga ang mga bata sa henerasyon ngayon, paano ko nasabi? Una, iniwanan sila ng madameng problema ng kanilang mabuting pangulo na sa loob ng siyam na taon ay yumaman ng husto at madameng nakuha sa kaban ng bayan, Pangalawa, si Kris Aquino na ang first sister ngayon, Pangatlo, madame ang nadisappoint sa Eclipse na palabas dahil bitin daw, at ang huli sa lahat na pinakamahalaga ay pati ang mga libro ay nagkakasakit na. OO, tama ang nabasa mo, pati ang mga libro ngayon ay nagkakasakit na hindi Sars, Aids, TB at kung anu anung sakit na malala. Kundi ang mga spelling at grammar ng mga nasa libro o textbooks ay mali mali, at yung ibang impormasyon na nakalagay dito ay hindi updated at napakaBIAS o yung sinasabing may kinikilingan.
Sana naman sa ating bagong halal na si P.NOY, naririnig nya ang mga daing ng mga magulang, guro at estudyante na nakikinabang sa mga medium na ito. Hindi lang Wang Wang ang dapat alisin, hindi lang dapat ang mga blinkers ang dapat ayusin. Kundi ang pinakamahalaga ay ayusin nila ang mga librong pinagkukunan ng karunungan ng mga batang maari nating maging lider sa darating na panahon.
Sna sana sana..........
No comments:
Post a Comment