Paano mo ba masasabi na ang isang tao ay malusog? Kung siya
ba ay may magandang pangangatawan? Hindi nagkakasakit? Maganda ang kutis? Ang
batayan ng pagiging malusog sa iba ay ang pagkakaroon ng tinatawag nilang
Abdominal Muscle o mas kilala sa tawag na ABS. Ang abs ay parang bituin mahirap
maachieve unless ikaw ay pinanganak na gifted o yung tinatawag na walang tiyan.
Mayroon akong kaibigan kung tawagin namin ay Boss, maganda
ang hubog ng kanyang katawan, sakto lang ang height, sakto lang din ang timbang
at higit sa lahat madame siyang ABS. Nahiwagaan ako kung paano nga ba magkaroon
talaga ng tunay na abs, at humingi ako sa kanya ng konting payo kung paano ba
ako magkakaroon ng ganun. Unang sinabi niya, “Pre! Magsetup ka” una kong
narinig to ang akala ko kinabahan lang siya masyado sa pagbibigay ng payo sa
unang pagkakataon. Pero hindi, pinaulit ko ito at hindi ako nagkamali sa narinig
ko SETUP nga ang sabi nya. Seryoso siya sa pagsabi ng SETUP at wala kang
mababakas sa mukha niya ang pagbibiro. Unang una para makayanan mo ang
pagSESTUP ng madame ay dapat ATLITA ka, sa pangalawang pagkakataon ang akala ko
ay nagkamali na naman ako ng pagkakarinig. Pero hindi! Hindi talaga!!!!
2 comments:
Wahahahaha nakakaloka!!!
Post a Comment