Friday, December 4, 2009

Talentadong Pinoy KNB?

Alam natin lahat na ang Pinoy ay likas na talentado, magaling, at kahusayan sa anu man larangan. Ang sabi nga ng mga tao sa ibang bansa. kahit na nasunugan, nabaha, nalindol, nanakawan, nasnatchan, nalaman na may cancer siya at kung anu anu pang mga trahedya nakukuha pa din natin ngumiti. E ganyan tayo pinanganak at ginawa ng Diyos e, tayo man ay nasa Third World Country ang mga tao naman dito at mga talent ay First Class, kung baga sa sapatos nabibili tayo sa Mall at hindi sa Greenhills.


Sa hirap ng buhay ngayon sa ating bansa, sumabay pa ang Economic Crisis ng buong mundo, lalong dumomble at tumriple pa nga ang problema na kinakaharap natin sabayan pa ng mga balitang si Jennelyn daw ayaw ipakilala si Patrick Garcia sa anak nila, na si Jerick Raval daw ay nagpagupit na ng buntot niya at hindi na nakablack leather jacket kahit tirik na tirik ang araw, at ang pinakamatindi sa lahat; Gloria Macapagal Arroyo for Congresswoman. Astig di ba? Dahil sa crisis na nararanasan natin lumabas tuloy sa TV na parang mga kabute ang mga gameshows, reality shows, at kung anu anu pang shows na maaring makadiscover sa isang tao na kahit hindi ka guwapo, kahit di ka kasing puti ni Matet De leon at kamukha ni Marian Rivera, ay pwede kang sumikat at maging instant celebrity (parang noodles lang). Ang pinaka madaling paraan upang kumita ng malaking pera ay sinasabing ang PAGAARTISTA at pagtitinda ng shabu. Ang pinakasikat na talent show sa panahon ngayon ay ang Talentadong Pinoy, lahat ng tao dito pwede kahit si lolo at lola pa, basta lang pagkatapos ng show nya ay hindi siya didiretso sa kabilang buhay. Nakakatawa isipin na ang mga sumasali dito ay yung mga taong kung tawagin ay may "Exotic Talent", isang batang nakablindfold na nakasuot ng pangtulog habang nakahiga sa kama at may piano sa headboard at tumutugtog ng Sweetchild of mine, isang lolo na tumutula na ang paksa ay tungkol sa pagkasawi nya sa pagibig nung siya ay binata pa, isang taong may maraming puppet na nagsasalita ng sabay sabay na hindi ko naman makita kung saan galing ang boses nila at ang pinakamatindi sa lahat, isang lalaki na may mahabang buhok at nagheheadbang sa saliw ng Tugtog ng Linkin Park. Matatawag mo bang talent yung huli? Kahit siguro yung mga estudyante sa MMHA kayang gawin yun.

Lahat ng pride ng taong sumasali sa ganitong klaseng talent show na hindi ko naman alam kung bakit nagpapaaudition pa sila kung ipapasa din nila ang mga walang kwentang talent. Nais ba nilang makatulong o gusto nilang gawing katawa tawa ang kapwa nila for the sake of ratings? Kahirapan - Pride = TALENTADONG PINOY KNB?

2 comments:

mari_screams said...

LOLS! Pano ko po ba masasabing talent ang isang bagay? wahahaha

chek Wa said...

kapag pinabuhusan mu ito ng panahon upang magensayo at hindi basta may maipakita lng!