Friday, December 4, 2009

Manager ng CompShop


Nakakatawa isipin na may taong di mo alam kung nagjojoke ba o sadyang hindi lang nila alam ang sinasabi nila. Lahat ng tao sa mundo ay hindi perpekto kahit sina Einstein, Da Vinci, Hitler, Marcos at Confucius, sinadya ng Diyos na hindi gumawa ng perpektong nilalang sa ibabaw ng mundo. Bakit? isipin mo na lang kung naging perpekto si Einstein baka siya na ang gawin ng mga taong diyos at ang mga nakusulat sa misal ng simbahan ngayon ay mga formula nya at mga teorya. Maaatim mo ba na habang nagsisimba ka ay ang nasa harap mo ay estatwa ni GMA? What da hell!


Isang gabi habang nasa sasakyan kame ng kaofismate kong si BO, wala naman siguro sa loob nya na ikwento sa amin. Nung unang pasok daw siya sa ofis namin, nagkwento daw ang manager namin sa kanya, sabi ng manager namin magaling "Kala ko dati computer shop tong napasukan ko, pero nagtataka ako kung bakit araw araw yun at yun din ang naglalaro" nung una ang inisip daw ng kaibigan ko ay nagjojoke lang to pero bakas na bakas daw sa mukha ng manager nila ang sincerity nito sa pagkwento. Shit! Manager yun ah partida pero ganun ang takbo ng utak, naiwan nya ata sa ref ang utak niya habang pinapalamig ito para magfunction uli. Sa isip isip ko nga kung ako ang may ari ng company na yun, oramismo pag karinig ko sa mga sinabi ng manager na yun "Your Fired!" yan agad ang ibabanat ko sa dakilang manager/heneral ng mga bopols/muse ng mga shunga/1st honor ng MMHA (Mandaluyong Mental Hospital Association).

Walang taong perpekto, ako, ikaw, siya, si boy, si nene o maging si sir at maam. Lahat ng tao nagkakamali, nagkakasala. Pero wag naman sana natin gawing primary attitude ang pagiging TANGA! "Ang tamad pwede pang matuto, ang Tanga hindi na!" Tsktsk.....

No comments: