"Walang magulang ang kayang tiisin ang kanyang anak, ngunit ang anak ay kayang tiisin ang kanyang magulang". Minsan dumarating sa punto ng magasawa na kailangan nilang magkaanak upang sa pagdating nga naman ng araw na sila ay matanda na meron sakanilang magaalaga, magpapakain, magpapaligo, maghuhugas ng wetpaks at madame pang ibang bagay upang mapakita naman ng mga anak ang pagtanaw nila ng utang na loob.
May mga magasawa naman na hindi pinapalad na biyayaan ng anak sa kadahilanang baka baog yung babae, baog si lalaki, parehas sila ng kasarian at magkalayo sila. Ang anak kasi ang nagpapatibay ng samahan ng magasawa, kaya naiisipan nila magadopt ng anak o sa tagalog ay magampon. Dumadaan ang pagaampon sa legal na proseso kapag ikaw ay kukuha sa mga bahay ampunan, titignan ng DSWD o yung management ng ampunan kung ang magasawa ba ay may kakayahan upang buhayin at bigyan ng magandang buhay ang bata. Subalit meron din namang pagaampon ang di na dumadaan sa ganitong proseso, pamangkin, kapatid sa labas, anak ng bestfriend at malayong kamaganak, yan ang mga klase ng pagaampon ng di na kailangan dumaan pa sa kamay ng gobyerno.
Bubuhayin, pagaaralin, bibigyan ng magandang buhay, bibilhan ng magarbong cellphone at ipagbibida sa kamaganak kapag naging honor student. Gagawin ng magulang ang lahat para ibigay ang lahat ng dabest sa anak o isang AMPON. Tulad ng napapanood natin sa mga telenobela sa TV, once na nalaman na nila na sila ay hindi tunay na anak ay natatabunan na ang lahat ng ginawang mabuti ng magulang sa kanila. Kahit na naghirap ang magulang ang nagkanda utang utang para lang mabuhay sila, hindi na nila ito maiisip at dali daling sasabihan ng "I hate you" ang magulang at tatakbo sa kwarto nila, ilolock ang pinto at dadapa sa kama at iiyak at magtatanong "Bakit nila ko niloko?", niloko ba talga sila o inisip lang ng magulang ang damdamin nila? Sana imbes na magalit tayo sa ating kinagisnang magulang, isipin na lang natin na hindi nila tayo tinuring na ibang tao, mahirap kaya bumuhay ng taong hindi mo naman kadugo.
1 comment:
ampon ka din po ba sir?! wahaha
Post a Comment