Unti unti na natin nararamdaman ang climate change, dumaan si ondoy at sumunod naman si Pepeng. Naranasan ng lahat ng tao ang hagupit ng Dynamic Duo na to, take note hindi lang yung mga mahihirap pati mga mayayaman mas kawawa pa nga. Yung mga mahihirap sanay na sa ganitong eksena pati na din ang mga nasa middle class at lalong lalo na yung mga taga Valenzuela (kami yon!). Umihi lang aso, magpiga ng kobre kama sa daan at pag tapon ng pinaghugasan sa estero ay bumabaha na sa lugar namin. Marahil dahil ito sa walang pakundangan sa pagtatapon ng mga basura especially ng mga plastics sa ating mga kanal. Hindi man itapon sa kanal, sinusunog naman ang plastic na nagiging sanhi ng Green House effect na nakakabutas sa Earth Atmosphere na nagsisilbing lona o payong ng mundo para hindi direktang tumama sa ating ang sinag ng araw na pwedeng pagmulan ng skin diseases o skin cancer.
Paano kung.........
Mawala na ang mga puno at puro buildings na lang ang nakikita natin...
Wala ng damo sa Luneta na pwedeng higaan habang ngpipicnic ang pamilya, malamig ang tiles at pwede pang pagmulan ng pulmon.....
Wala ng kulay asul sa edsa, pag tumingin ka sa langit ang makikita mo ay isang itim na usok at korteng karit ni kamatayan....
Mawala na ang O (oxygen) sa Periodic table of elements at puro dumi na lang ang malalanghap natin.....
Ang madadapuan na lang ng mga bubuyog ay ang balikat mo dahil naubos na ang mga bulaklak sa hardin....
Hindi na mga bato o mga buhangin ang masisipa mo at matatapakan sa daan, kundi mga dumi ng hayop na nagmumukhang balat ng candy sa dame.....
Sa kakalanghap natin ng maduming hangin mawawala na ang letter o sa CUBAO station at magiging CUBA na tayo na isang sintomas ng isang unhealthy Lungs na maaring ikamatay ng bawat Pilipino sa ating bansa......
ang palabas na 2012 na napanood natin ay maging isang "True to life" sa darating na December 12, 2012 anung gagawin natin?..........
Magisip na tayo, habang may pagkakataon pa at hindi pa ganun kalala... "Iligtas natin ang Kalikasan, at ililigtas tayo ng Kalikasan!"
Saturday, December 5, 2009
Climate Change
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
harharharhar!ang dami mong alam!
Post a Comment