Thursday, December 3, 2009

Summer Vacation

Maraming pwedeng puntahan pagsasapit ang Summer, sa beach, park, zoo, amusement park, ilog, probinsya at madame pang iba. Masarap talagang magbakasyon ito ang oras para magrelax at magpahinga pero bakasyon din ng sweldo natin sa ofis at baon sa school. Wala ka na ngang sweldo magagastusan ka pa, pero ayos lang kung once a year lang naman. Ang masama yun bang whole year nakabakasyon, yun bang kumuha ng course na Nursing, Management, HRM at Commerce.


Tuwing sasapit ang bakasyon, nadadagdagan din ang bilang ng mga umiistambay sa bahay at hindi makahanap ng trabaho. Taon taon may gumagraduate at taon taon din ang may natatanggal sa trabaho pero hindi naman taon taon may nahihire na tao. Kung ihahalintulad sa paglobo ng populasyon natin, sa bawat isang namamatay may tatlong ipinapanganak. Kung ikaw ay may common sense maiintindihan mo ang logic behind this.

Sabi ng isang kakilala kong kaibigan, "Masarap kaya magbakasyon Pare!", ang sagot ko "Oo naman, wag nga lang isang taon!" tama naman ako di ba? Masarap magbakasyon, isang araw, dalawa, tatlo kahit hanggang isang linggo pa. Pero kapag lumagpas na sa isang linggo ang pagbabakasyon mo magisip ka na, baka naman natanggal ka na sa trabaho mo, nainis sayo ang girlfriend mo, naiirita sa yo ang nanay mo at baka naman kasabwat ka sa Maguindanao Massacre na kumitil ng madameng inosenteng tao. Nagbakasyon ang mga taong ito hindi sa beach, park, zoo at kung saan pa pwedeng pumunta. Ayaw ko ng ganung klaseng bakasyon! One way trip! baho!

No comments: