Thursday, December 3, 2009

Pasko, Christmas, Xmas Day


Ilang araw na lang at magpapasko na naman, excited ka na ba? Ang tanong may panghanda ka ba? Tulad ng sinasabi ng maraming taong nakakasalamuha ko "Ang pasko ay para lang sa mga bata", pero totoo ba ito, sa tingin ko Oo. Unti unti ko nararamdaman ang katotohanan sa chismis na to. Nung bata ako sinasabi kong kalokohan lamang ito ngunit aking napatunayan ito nung ako ay tumungtung na sa edad na dose. Naiba ang kahulugan ng "Pasko" o "Xmas" naging "Pass ko" at "X-mas" meaning Pass ko "Nak, wala munang regalo ngayon si ninong ah, pass muna bawi ka na lang next year, Gipit ngayon e." at X-mas "Nak, wala muna tayong pasko ngayong taon ah, nagtitipid si nanay magaaral na kasi yung bunsong kapatid mo" ang "X" ang ibig sabihin ay wala o sa iba naman ay "NG (No Good)".

Bumabaliktad ang pasko kapag ikaw ay tumanda na, ikaw na ang kailangan magbigay o tumulong sa ninong at ninang mo, regaluhan mo sila ng t-shirt, pustiso, cottonbuds, ampao na walang laman o kaya naman ibalik mo na lang yung mga regalong nabigay nya sayo dati nung bata ka pa.

Ngayong matanda ka na at may trabaho na siguro naman panahon na para ikaw naman ang gumamit ng mga dialogue na nabanggit ko sa unang talata. Ang Pasko ay masaya kahit hindi magarbo at madame ang handa, ang mahalaga kumpleto ang pamilya masaya, masigla at punong puno ng pagmamahalan sa bawat isa. "It's the THOUGHT that COUNTS" sabi nga ng ibang di masyadong nagustuhan ang mga niregalo mu sa kanila. Makontento tayo sa kung anung meron tayo. Kaya MALIGAYANG PASKO!

No comments: