Alas sais na, uwian na! Nangangamba ako kung nagtext na naman ba ang chariman ng pejodap o ng piston sa mga nasasakupan nitong mga jeepney drayber na pauwi na ako. Malamang wala na naman jeep sa may chino roces. Laging ganito ang nararamdaman ko tuwing pauwi ako galing sa trabaho. Mukhang magagamit ko na naman ang bondpaper na may numero para makasali ako sa walkathon papuntang LRT. Kapag naglalakad ako papuntang LRT nakakaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan, di ko lubos maisip na nauunahan ko pang dumating ng LRT ang mga bus, jeep, motor at mga private cars sa may Gil Puyat Ave.
Feeling ko tuloy ay member na ako ng Justice League, taglay ko ang bilis ni Flash, lakas ni Superman, liksi ni Green Lantern at karisma ni Wonder Woman.Pero alam nyo bang may advantage at disadvantage din ang pagkakaron ng scarcity sa jeep tuwing hapon? Advantage: Nakakapagexercise ako ng hindi sinasadya at nababawasan ako ng 20 grams of fats at calories everytime na nilalakad ko lang ang daan patungong LRT. Disadvantage: Nadudumihan at nalalaspag ang bago kong biling sapatos, first time hindi siya 250 shoes na nabibili sa NorthMall.
No comments:
Post a Comment