Thursday, December 3, 2009

Farmville Fever!


Lahat tayo ngayon ay nahuhumaling sa Farmville, nakakaaliw, nakaktanggal ng stress, pampalipas oras kapag walang project sa ofis at ang higit sa lahat training para sa mga aspiring farmers out there. Naaliw ka di ba? Sana ang pagtatanim ng palay, mais, bawang, sibuyas, luya at lahat ng gulay na nabanggit sa bahay kubo ay tulad lang ng pagtatanim sa Farmville na isang application ng Facebook, sana marami din tayong neighbors na maaring makatulong sa atin kung sakaling kapusin tayo sa pera, mga pananim at pataba. Alam nyo ba bakit madaling magpaunlad ng farm sa farmville? WALA KASI DUN GOBYERNO na nagpapataw ng mataas na buwis at kumukurakot sa mga pananim na pwedeng pagkakitaan ng maliliit nating mga kapatid na magsasaka, walang mga senador na walang ginawa kundi magpapogi sa mga commercials at magendorse ng kung anu anung produkto na ang tanging motibo lang naman ay mangampanya.

Sana nga parang facebook na lang ang buhay natin kapag di ka umasenso sa farm mo, pwede kang gumawa ng panibagong account at magsimula uli.

No comments: