Wednesday, December 2, 2009

LRT (Laging siRa na Tren)

Tsk tsk.. yan ang tunog ng pagmamadali, naiirita, late na, naiihi, najejerbs, at nagtatawag ng butiki. Masarap sa tenga pakinggan ang TskTsk. Sabi ng iba parang musika sa pandinig, "Tsktsk" naiirita ako sa umaga pag nakakasabay ko ang mga tao na nagmamadali sa pagsakay ng jip at ""TskTsk" ng "TskTsk" sa bawat hinto ng pobreng tsuper na walang ibang hangad kundi ang kaligtasan ng pasahero. "Nagmamadali na nga ang bagal pa" yan ang sabi ng babaeng office girl na sumakay sa may potrero. Sa loob loob ko, magbullet train ka kaya, ay taxi na lang pwede din, limusin o kaya truck ng bumbero o ambulansya para siguradong mabilis. Nakakairita talaga, hindi naman kasalanan ng tsuper kong hinto siya ng hinto para magsakay, una hindi mu siya service; PUJ yun (PUBLIC utility Jeepney) PUBLIC! Pampubliko! pangalawa, hindi naman bumabiyahe si Manong para sa iyo bumabiyahe siya para sa Pamilya nya, at pangatlo, hindi kasalanan ni manong kung bakit late ka na nagising, kapag may pasok kasi kinabukasan wag ng magbabad sa tv at gayahin si Kuya Germs na "Walang Tulugan" o kaya manood ng Shining Inheritance at SNN.


"Pasensya na po sa abala at salamat sa inyong kooperasyon. Maraming Salamat po", kahit batang bagong silang pa lang ay kaya ng bigkasin ito. Sa araw araw na bumabiyahe tayo sa LRT, halos 5000 times itong sinasabi ng babaeng may malumanay na boses at karilyebo nya naman ang lalaking nakagel at kaboses ni Sergio sa Marimar. Naknamputch! bakit kailangan maapektuhan ang LRT sa may Rizal Ave e kung ang ginagawa naman ay nasa may EDSA, ang monumento ba kadugtong na ng trinoma ngayon? Di ko maintindihan kung bakit nagkakaganun ang mga tren, dahil ba ito kay Thomas at sa kambal na tren na pasaway? Sabi ng Management ng LRTA matatapos ito sa December 14, 12 days na lang tayo magtitiis sa pakikipagsiksikan, pakikipagbangayan, pakikipagwrestling at UFC sa kapwa at higit sa lahat magtitiis sa mabahong halimuyak ng mga taong tinutubuan ng inborn na amoy.

"Ramdam ang Kaunlaran" sa bawat station ng LRT meron ang tarpolin ni GMA na may sabit na medal. Ramdam mu nga ba? Ikaw? kung sa LRT pa lang ganun na, malamang Ramdam mu nga, hindi ang kaunlaran kundi ang Katarantaduhan!

1 comment:

fatkidinside said...

Tama ung eksenang mbbd3p ka mamang drayber dhl sa pghinto2 nia at pgppskay sa pasahero ay malalate, well d q nman mdalas maxperience kc mdlas na after lunch ang klase ko, n0 need to rush. :p