Wednesday, December 2, 2009

K Pop (Korean Pop)

Nobody, I Dont care at marami pang iba, yan ang in na in ngayon, ang tanung naiintindihan nyo ba ang lyrics? sigurado bang tama ang pagbigkas mu sa nababasa mung lyrics? Parang Asereje lang yan masarap pakinggan at sayawin pero kantahin wag na lang. Bakit kapag mga foreign ang gumagawa ng ganitong uri ng genre ng kanta ay tinatangkilik natin? Bakit yung "Magexercise tayo tuwing umaga" ni Yoyoy Villame di natin nilalagay sa mga mp3, mp4 at mga ipod's natin. Bakit hindi nagtotop 1 sa MYX ung "Ang Kawawang Cowboy" ni Fred Panopio? Kung sa bagay ang jologs nga nga naman kung ang laman ng playlist ng Iphone mu ay mga kanta nila Mystica, Aprilboys at Jude Michael.


Sumikat ng husto si Sandara Park sa Korea nung umalis siya ng bansa. Nagtataka tuloy ako kung ang "K " ba sa KPop ang ibig sabihin ay "Korean" at hindi "KrungKrung". Kung ako man to si Sandara aalis na lang ako sa Pilipinas kung ang pinapakanta lang sa akin ay puro theme song ng shampoo at kapintasan sa sarili ko na gawa ni Lito Camo. Sayaw na kahit ang bata ay kaya naman hawiin ang buhok nya ng paulit ulit, talgang mahilig tayo sa mga banyagang music, accessories, damet, bag, payong, pabango, bimpo at higit sa lahat SHADES. Parang si Aling Dionisia na dati'y nahihimatay pa sa harap ng TV habang nakabelo, samantalang ngayon bumili ng payong sa Bigas (Vegas) at nagregalo ng mga bimpo sa kamaganak, ginawang 168 ang states. Be proud sa gawang pinoy, be proud sa kulay at salita natin kahit barok barok sa english go lang, bakit straight bang magtagalog ang mga kano?

No comments: