Wednesday, December 2, 2009

Hangalan ay este Halalan na!

Panahon na naman upang pumili tayo kung sinu ang ilalagay natin sa pwesto upang sumalo sa problemang idinulot ng nakaraang administrasyon. Mapalad ba o malas ang malulukluk sa pwesto? Kanya kanya nga naman pananaw yan, kapag ang pulitiko ay tatakbo sa halalan ibubuhos nya lahat ng yaman nya dito at may pagkakataon pa nga na ipangungutang nya manalo lang siya. Halungkatin natin anu nga ba ang laman ng utak ng isang aspiring politician; 1) Maging makapangyarihan sa lahat, 2) Mabawi ang pondong ginamet nung nakaraang eleksyon pag nalukluk na sa pwesto galing sa kaban ng bayan, 3) Makapaghiganti sa mga taong lumait, nangmaliit, nangbuska, nangasar at di nagpahiram ng pera nung oras na nangangailangan siya at 4) Maging pinakamayamang politician sa panahong yon.


Kung susuriin natin isa isa ang mga tatakbong presidente ngayon sinu sa tingin nyu ang karapat dapat? Ito ang mga pagpipilian ninyo; (a) Isang lalaking napakatalino, bar top natcher, magaling na mambabatas at kawani ng gobyerno kaya lang tuta ang labas nya kapag nanalo siya. (b) Isang lalaking medyo nauubos na ang buhok at nakasalamin na hinulma ang kamay para mag sign ng letrang L, kapatid ng isang kilalang kilala sa showbiz at anak ng dalawang dakilang bayani ng ating bansa. (c) Isang lalaking mataba, maputi, makapal ang labi, tisoy at ang nickname ay pang bading, sabi nya siya daw ang makakapagpaunlad sa Pilipinas ang sabi ko naman "Whatever Yaya!". (d) Isang babaeng nanalo bilang senadora sa tulong ni Mara at nagkaron ng pinakasikat ng Campaign Jingle "Ja-Ja-Ja ***". (e) Isang lalaking lumaki daw sa hirap at nakatira sa bahay na tumutulo ang bubung? meron palang ganun, o baka ang ibig nyang sabihin ay tumutulo ang tubig sa bubung. yun ang tama. Sumikat siya sa sayaw nya nung siya ay tumatakbo bilang senador. at ang panghuli Isang lumang lalaki na may commercial na tumakbo ng isang dangkal pagkatapos inulit ulit na lang ang frames ng video para magmukhang malayo ito. Hindi siya kumakampi kay GMA dahil kahit kamaganak DAW di nya kakampihan.

Ilan lang yan sa mga kandidatong tatakbo sa darating na "Hangalan" ay este "Halalan", sana bago tayo tumakbo ay isipin muna natin kung anu ang magagawa natin sa bayan at hindi ang mga bagay na nabanggit ko sa unang talata ng artikulong ito. Hindi porket tinanung ka ng chairman ng "Edu, game ka na ba?" sasagot ka ng "Game na!". Ang halalan sa Pilipinas ay sadyang ganito bakit di na lang si Blakjak ang patakbuhin nyo para siya din ang pers black pilipino president in the history parang sa US. Astig!!!!!


No comments: