Wednesday, December 2, 2009

Come Holy Spirit or CamFrog

Ito na naman ako mahilig magtanung, san natin makikita ang tunay na kaligayahan? Come Holy Spirit o CamFrog?


Makakamtan natin ang ligaya, ang tunay na ligaya kapag kasama na tayo ng ating Panginoon na siyang lumikha sa ating lahat. May dalawang uri ng tao sa mundo; Takot sa araw ng paghuhukom at Sabik sa araw ng paghuhukom. Ang mga taong takot sa araw ng paghuhukom ay yung mga taong di alam ang salitang pagtulong, pagmamahal at pakikipagkapwa in short twin brother ni Lusifer, natatakot silang mapunta sa lugar kung saan hindi uso ang electric fan, aircon, ref at kahit abaniko kinukumpis sa gate. Yung mga tao naman na sabik sa paghuhukom ay yung mga taong hindi naman alam ang salitang galit, pagnanakaw at pagiisp ng masama sa kapwa or in short The living saint. Sila yung mga taong confident na makakapunta sila ng Heaven ng di kinakailangan ibackground check sa lupa upang makapasok sa tinatawag na "Paraiso".

Subalit anu nga ba yung naririnig kong usong uso ngayon, Camfrog ba yun? Ang Camfrog ay isang software na nangangailangan ng internet connection upang gumana ito, para siyang YM(yahoo messenger) na Skype. Papasok ka sa mga rooms ng Camfrog titignan mu ang mga profile ng mga nakalog-in at yun pwede mu na sila iview. Anu nga ba ang saya na naidudulot nito sa tao? Once na ikaw ay pinayagan ng iview ang Cam(Camera) ng gustong mung makita na babae or lalaki, ichachat mu lang siya at uutuin hanggang sa siyay bumigay at ipakita ang di dapat ipakita sa mga batang katulad ko.^^

Hindi ba pwedeng ang roomname: "Holyspirit" o kaya "Heaven" ang pasukan nating room at sa Diyos tayo makipagchat or communicate. Naaalala lang natin ang Diyos sa oras na tayo ay nasa alanganin; kapag sinisingil tayo sa utang ng kasera natin, kapag bagsak ang mga grades natin sa school at kapag nakakakita tayo ng maganda babae "Oh my GOD", isipin natin na kahit gaano kabait ang Diyos ay kaya parin tayong subukin nito, para nga naman tayo ay matuto at malaman natin ang ating mga pagkakamali.

Ngayon san ka magiging masaya?


No comments: