Sabi nila nakasaad daw ito sa Bibliya, sa tingin ko naman ang pinakamasunuring tao sa mundo ay mga Intsik. Bakit? kasi ayon sa statistics sila ang may pinaka malaki ang bilang ng populasyon sa buong mundo, at hopefully makahabol na ang pilipinas sa ranking ng china. Nagtanung tanung ako sa may amin, kung bakit ang dami nilang anak ito ang mga sagot na nakuha ko; una, "wala kasi kaming tv e" kaya imbis na tv ang paglibangan ginagawang past time ang pagbubuntis aba susyal! Pangalawa, "wala po kasi kaming Electric Fan" kung sabagay imbis na iligo nila ang init ng kanilang katawan sayang nga naman ang tubig pwede pa nila itong ipang inom, ipanghugas ng mga plato, ipangsipilyo, ipanghugas ng p*** at ipanglagay sa aquarium ni goldie, nilalabas ng mga pinoy ang init ng katawan nila sa kani kanilang mga partners ng di iniisip kung paano nila bubuhayin ang munting dugo na magiging fetus at kinalaunay magiging isang batang paslit. Madadagdagan na naman ang palaboy sa lugar namin. Ayus!
Tuesday, December 1, 2009
Humayo at magpakarami? Tama o Mali?
Naaalala ko tuloy ang aking nanay, dahil sa takot nyang di kame makapagtapos ayan dalawa lang tuloy kame ng kuya ko. bale 2 + 2=4 (2 sons + parents= 4 family na yun.) Naisip ko nga nung napanood ko ang pelikulang Tanging Ina, anu kaya kung 12 kame ang kukulit cguro ng mga panglan namin lahat nagsisimula sa "A" ang kewl! Agapito, Agapita, Agapepe, Agamuhlak, basta lahat "A".
Sana hindi dumating ang panahon na ang mundo ay mapupuno at lahat ng taao ay harlem at rap lang ang alam. Sana ang mga batang ang alam lang ng antas ng pagaaral ay hanggang hayskul ay makapgisip na magpursigi na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang magiging pamilya sa hinaharap. "Hindi ako magaling magADD kahit magSubtract at Divide pero magaling akong magMultiply" pinoy ako!!!!!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment