Nakakarelate ba ako? haha oo naman... Madame ang nagsasabing mahirap ang long distance relationship. Dahil ba puro long distance ang tawag mu sa kanya? Dahil ba malayo siya at makikis mu lang siya sa picture or webcam? Dahil ba nangangamba ka na makakita siya ng iba?
Sa aking palagay di naman siya totally mahirap, mahirap in a way na hindi siya physically available kapag kailngan mu ng kayakap, kausap, karamay, kakulitan, kakilitian. Pero nasa sa inyo din kung paano nyu ihahandle ang magandang samahan nyu kahit malayo. Una, dapat hindi nawawala ang communication atleast pag maxadong busy 3 text or call per day ok na yun. Pangalawa, hindi dapat nawawala ang sweetness at pagiging open sa isat isa. Pangatlo, updated dapat kayo sa mga nagyayari sa isat isa. Maxado na ata akong nagiging Romantiko baka magalit na sakin si Shubaker.
Meron kaming kapitbahay si Aling Dioni, nagtataka kasi ako kung bakit siya laging malungkot kaya isang araw nilapitan ko siya at tinanung; "Aling Dioni, bakit po tuwing nakikita ko kayo parang nilamukos ng papel yang mukha nyu?" ang sagot nya "Kasi boi, mahirap pala ang LDR"!! sabi ko "LDR?!!!" sabi nya "Helo! di mu ba alam yun? Long Distance Relationship!!!". Aw! ang kewl ni Aling dioni malupit pa sakin gumamit ng akronym. Nung tinanung ko kung nasa abroad ba yung mister nya ang sagot nya wala. Kaya nagtaka ako kung bakit naging LDR e wala naman pala sa abrod. Ang paliwanang nya kasi ung relation daw nila parang long distance sa telepono laging napuputol.. Hiwalay bati. Ah! yun pala ang LDR sa ibang tao!! Now I know!
Monday, November 30, 2009
Long Distance Relationship
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment