Pasa-Love, ganyang pag magpapasko kung anu anu ang naiimbentong salita upang lahat tayong mga tao ay maisip na tama magpapasko na pala panahon na naman ng bigayan ng kung anu man meron tayo. Teka, may tanung ako sa inyo, Kailangan ba tuwing pasko lang tayo magbibigayan, magtutulungan at magdadamayan? Kailangan ba tuwing amoy bibingka lang at puto bumbung tayo tutulong sa kapwa? May nakasaad ba sa bible na dapat tuwing buwan lang ng December tayo maging mabaet sa kapwa?
Sa aking palagay hindi lang December nagiging matulungin ang mga tao sa kapwa may isa pang buwan nagiging matulungin ang mga tao. Buwan ng May, uu tama kapag Campaign Period na at Halalan. Lahat ng kumakandidato anu man ang hilingin mu bagong sapatos, isang kahong gatas na puti, at kung anu anung sobre na may lamang mga bayani (pera yun).
Naisip ko lang, na imbes gumastos sila sa mga walang kwentang fliers, posters, tarpolins at mga tv ads na natatalbugan na si Mcdo sa dame ng beses pinapalabas sa isang araw ang mukha ng kandidatong ST. Manong ilaan na lang ito sa mga mahihirap kapag sila ay nanalo na, hindi porket sikat ka at kilalang kilala ng mga tao ay mananalo ka. tignan mu na lang si Cesar Montano sikat na sikat ang singing bee bakit sa senado di xa makapasok gamet ang kanyang karisma. Si Richard Gomez aka GOMA, ginawa siyang goma at wala masyadong nakuhang boto. Kasi kung ikaw ay may malinis na hangarin sa bayan hindi mu naman kailangan na maglabas ng ganun kadameng pera na makikita ng kababayan mu na parang tinatapon mu lang ang mga ito samantalang sila ay 50 pesos lang pagkakasyahin na sa maghapon. ang hirap kaya nun! tsk..
Sana ang mga pulitiko at ung mga nasa kapangyarihan ay parang si Santa, reregaluhan nya ang mga karapat dapat o tutulungan. Alam nya kung masama o mabuti ba ang taong pinuprotektahan nya. hindi yung alam na ngang illegal kinokonsente pa, paano nga naman tayo uunlad? Kahit magpasa-love tau buwan buwan kung madame naman corrupt sa bansa natin ang makukuha natin ay "Pasa-kit"
Monday, November 30, 2009
Pasa-Love
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment