Monday, November 30, 2009

Kolektor

Anu ba ang pumapasok sa isip natin kapag sinabing "kolektor"? ang kolektor ay isang tao na nangongolekta ng bagay na naisipan nya, trip nya, kinaiinggitan nya, gusto nya makuha, nakikiuso lang. ito ay binubuo ng dalawa o mas marami pang bagay na magkakatulad tulad ng lapis, kutsilyo, anay, ipis, agiw, books, notebooks, brown envelopes, used clothes, at marami pang iba depende nga sa trip mo.

Bakit kolektor ang naisip ko na topic naun? naalala ko kasi ung isa kong tropa sa aming eskwelahan, itatago ko na lang siya sa code na "Master Pogi" sapagkat napakagwapo nya almost perfect daw ang mukha nya at kahit si Da vinci mahihirapan siyang iguhit kahit Abstract pa ang gawin nyang method. Isang umaga ng Huwebes sa buwan ng Disyembre, siya ay nagkainteres sa isang bracelet na nabili nya daw sa "Silver Works" ang kintab, maganda, maaliwalas, walang bahid dungis at higit sa lahat mukhang pangmayaman at kumakaen lang sa gintong plato ang pwedeng magsuot. Ipinagmalaki nya sa ami ang kanyang nabiling kayamanan. Tinatanung namin kung magkanu nya nabili ang nasabing alahas subalit ayaw niyang sabihin ang presyo at balak pa ata maging host ng "The Price is Right" sa pagpapahula sa aming grupo. Ang tangi ko lang naalala ay ang mga katagang binitawan nya sa amin bago matapos ang araw na iyon "Alam ko na ang kokolektahin ko sa buhay ko! TAMA!! Alam ko na!". lahat kami ay napaabang na kala mo ay nagaabang kung sinu ba talga ang gusto pumatay kay Rosalinda, si Valeria ba o si Fedra?.

Pero kapag ang salitang "Kolektor" ay titignan natin sa Pamplulitikang antas, ito ay lumalarawan sa taong nangongolekta ng "lagay, suhol, bala, o mas kilala sa tawag na pampadulas". Naiiba ang ibig sabihin ng isang salita depende sa ginagawa ng tao ng kinakabitan ng salitang nabanggit. Kapag ang isang normal na tao ay napadpad sa mundo ng pulitika, kahit kumbinsihin mu lahat ng tao na maniwala sa iyo na ikaw ay hindi kurakot, malamang kahit mamigay ka ng sangkatutak na Bread pan at ialang bote ng C2 sa mga nasasakupan mu ang tingin nila sa iyo ay "Corrupt".

Dalawang salita lang naman ang sikat na sikat kapag ikaw ay naging politician "makisama" at "maki-sama", iisa ng spelling pero magkaiba ang pagbigkas. Kapag naging pulitiko ka lahat ng pakikisama sa kapawa ay kailangan mu gawin, mabuti man o masama. Ang tama dapat gawin mung mali at ang mali ay pipilitin mong gawin tama. Para ka rin isang abogado na dapat bihasa ka sa pagsisinungaling. Syempre na saiyo ang kapangyarihan walang pwedeng kumwestyon sa iyo. Maki-sama, kapag ang lahat ng nakapaligid sa iyo o gabinete mo ay MASAMA, automatic na yun at di na kailangan sabihin sa iyo na dapat maging MASAMA ka din. Kung baga sa sasali ka sa contest ng Eat Bulaga na DobleKara, un nga lang hindi babae at lalaki ang gagawin mung hati sa sarili mo, kundi isang Masama at isang Mabuti (Orocan Mode- for SWS survey purpose only).

No comments: