Jai Ho! Here I go again.. (parang nag-ibang bayan ba?) Nakakamis mag post d2 sa blogspot, at sa dame ng namis kong isulat dito nwala na tuloy lahat. hmmmmm.. teka, ngayon ay araw ni Andres Bonifacio na ating dapat na pambansang bayani... (hindi dapat si Pepe). Ayun sa aking nabasang libro at nabasa sa internet nung uso na ito, nagkaroon daw ng isyu ukol sa pagpili kung sinu dapat ang pamabansang bayani. Kung ang pagbabasehan ay ang antas ng pagaaral ay hamak nga naman na mas mataas ang pinagaralan ni Jose Rizal kesa kay Boni, kung ang pagbabasehan ay ang katayuan o stado sa buhay ay nakakalamang na naman si Ka Pepe kay Ka Boni, at kung ang pagbabasehan sa huling pagkakataon ay ang haba o sukat ng bilang ng pangalan ng dalawa ay hamak na mas maikli at hamak na madaling tandaan ang kay Jose Rizal. (yung huling basehan ay echos lang). Ayon naman sa akin kung ako ang tatanungin kung sinu dapat ang ilagay sa piso, ang imumungkahi ko ay si Empoy, sapagkat siya ay napakahusay at napakagaling magpatawa, di man siya humahawak ng baril upang ipagtanggol agn bansa, sumulat ng mga nobelang makakaantig sa puso ng mga dayuhan at magplano ng People Power sa EDSA, siya naman ay nagiging bayani sa paningin ng iba sa pamamagitan ng kanyang pagbibigay saya sa bawat bata, matanda, Emo man o Hiphop, naka baston man o loose pants. Kapuso(7), Kapamilya(2), Kashake(5) at Kajackpot(4) lahat ng channel na nabanggit ay napagdaanan na niya, kaya Empoy mabuhay ka!!
Monday, November 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment