Tuesday, June 3, 2008

Hayskul Layp

Ayon sa kanta ni Sharon Cuneta na Hayskul Layp, ito ay ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang magaaral. Subalit ng ako ay tumungtong na sa hayskul ay doon na din nagsimula ang madilim na kabanata sa buhay ko. Nagsimula akong magkaron ng limpak na limpak na problema, naging kolektor ako ng bagsak, naging apple of the eye ng mga titser at naging tinatawag na problem child. Masaya ba ako? kung titignan ng isang ordinaryong tao ayon sa aking mga nabanggit, masasabi nilang ang buhay ko ay malungkot subalit sila ay mali kasi ito ay sobrang saya. Sa tuwing sasapit ang kuhanan ng kard, ako ay sobrang kinakabahan at ang aking pakiramdam ay nakasalang ako sa harap ni Randy, Paula at Simon ng American idol at naghihintay ng aking mga grade na pang blacksmith kasi puro palakol. Kahit kailan sa aking buhay ay hindi pa pumupunta ng aming eskwelahan ang aking nanay sa kadahilanang ayaw niyang marinig na pinupuri ako ng aking mga mababait na guro, kaya ang tanging pumupunta ay ang aking tita. Lahat ng papuri sa akin ng guro mapasama man o mabuti ay kanyang tinatanggap ng buong galak, pagkatapos na ako ay sermonan ng aking guro ay siya naman sabay sabi "lagot ka mamaya sa mama mu pagdating natin, susumbong kita" oh shit! three hit combo. Kung baga sa street fighter "Awesome!". Usong uso sa aming silid aralan ang tinatawag na Paluwagan, sabi nila tinuturuan daw nito ang mga bata na makapagipon habang bata pa, subalit sa kin palagay ay tinuturuan nito na ang bata ay matuto ng maaga upang maging balasubas at magulang. har har. Araw araw ay kinakailangan kaming maghulog ng sampung piso sa may hawak ng pera para sa darating na biyernes ay may makukuhang pera ang nakatokang sasahod. Ngunit ito ang mga style ng iba, kapag siningil na sila ng kanilang klasmeyt ay ganito ang sasagot nila "Ge, bukas na para pangdalawang araw. 20 pesos db?", tapos kapag siningil kinabukasan ay iba naman ang kanyang sagot "Sa friday na tsong para buo na, wala akong barya e". Talaga nga naman oh, napakahusay lumusot, parang nakababatang kapatid ni Palos "Palos-ot". Siguro mga anim na beses ako nakasali sa Pasikipan, ay Paluwagan pala pero alam ba ninyo na isang beses lang ako nakasahod ng buo? Lahat ng klasmeyt ko kapag siningil mo ay sasabihin lang sayo ay "Pamasko mo na lang sakin yun".

Nauso din dati ang tinatawag na FLAMES para sa mga couple o loveteam ng klasrum, ang mga baabe ay kilig na kilig kapag finiflames sila sa crush nila at nakapikit pa ang mata hab ang nagaabang ng resulta kung ito ba ay F para sa fwede L para sa labo A para sa awts M para sa maari E para sa ewan at S para sa sure. Pero kapag nalaman nila na ang resulta ng kanilang flames ay masama ay kukumbinsihin nila ang kanilang sarili na "Flames lang anamn yan e, di naman totoo yan." Subalit kapag maganda naman ang lumabas na resulta ay kilig na kilig at parang may batallion ng mga bulati sa pwet.

No comments: