Tuesday, June 3, 2008

Boring

Boring naman! Yan ang aking nararamdaman sa aking kung tawagin nila ay "homebased job". Kung titignan ng mabuti ang dating ko ay si Jose Rizal na nakulong sa Dapitan na walang ibang ginawa kundi sumulat ng sumulat ng akda ukol sa mga espanyol na kumag, parang ganun din sakin yun nga lang minsan lang ako nakakasulat dito sa blog ko kasi nga may trabaho akong kailangan gawin. Hindi pagtira sa mga espanyol ang aking unang layunin kundi ang kumita ng pera at siyempre matuto ng makabagong mga gawain tungkol dito sa pinasok kong trabaho. Ang pagbabasa ng tone-toneladang tutorials sa internet at pagbabasa ng walang humpay na mga forums ng mga nagmamagaling na tao ang aking ginagawa araw-araw at sinusubukan iapply ito sa aking mga "BLOG". Ang aking kwarto ngayon ay hindi mu na matatawag na Bedroom, magdadalawang isip ka pa upang masabi mo ngang ito ay bedroom sapagkat ito ay aking pinaconvert na sa Office, opisina na ang aking kwarto, dito ko ginugugol ang aking buhay sa loob ng sampung oras ang tangi ko lamang pahinga ay kapag iinom ako ng malamig na tubig sa aming prijider. Pagtungtung ng ika-lima ng hapon automatic na ang aking paggawa ay hinto at sisimulan ko ng harapin ang pinakamatinding hamon sa aking pagkalalaki, ang paglalaro ng ragnarok.

Upang labanan ang aking pagkabored sa loob ng sampung oras, nagpapatugtog ako sa Windows Media Player11 ng mga paborito kong kanta. Siyempre RNB, hoy hindi yun Rap Ng Bisaya tulad ng nabanggit ko sa una kong nasulat. Rythm Nd Blues yan ang paborito ko, halos mamaos na nga ang boses nila Neyo, Florida, Chris Brown, Akon, T-pain at marame pang mga rapper na malalaki ang katawan na kala mo mga wrestler sa Smackdown at RAW. Pagdating naman ng hapon ay nagiiba na ko ng genre ng kanta, pumupunta naman ako sa mga love songs. Ill be ni kuya Edwin, Lips of an angeL ni Mang Hinder at madami pang iba. Upang mapawi naman ang aking uhaw ay lagi akong nagtitimpal ng malaking Milo at tulad nga ng sinasabi ni Sharlene Gonzales sa commercial niyang Marvel Taheebo "ginagawa ko ng ngang tubig". Hindi ba ninyo alam na ang milo ay mabuti sa ating katawan? Bakit? kasi it has more malt para maging active ang ating body sa ating daily activities na kinakailangan upang hindi agad tayo mapagod. Malaki talaga ang impluwensiya sa atin ng mga commercials kitang kita naman sa mga sinusulat ko di ba? Buti na lang at may blog ako upang maging libangan ko kung nakakaramdam ako ng pagkabagot.

No comments: