Wednesday, May 28, 2008

Babay (share lang)

Bakit kailangan dumating sa point na kailangan tayong magpaalam? sabi ng isa kong kaibigan na nagpapanggap na Mr. DJ at balak pa atang palitan si Joe da Mango sa pagpayo ay kasama daw talaga sa buhay ng tao na kailangan natin magpaalam at isang daw yun sa pangyayari sa buhay ng tao na mahirap talaga matanggap, xempre mas masakit pa din na malaman mung wala kang pinasang subject mu. Bakit ba parang EMO ako? nagpapakaEMO lang di naman masama e. Kasi ako ay lilisan na sa aming opisina, hindi dahil sa nasesante ako dahil sa nahuli akong natutulog sa oras ng trabaho, nangmura ng superbisor o nagnakaw ng meryenda ng kasama. Homebased Job yan ang aking magiging status, masayang malungkot ang aking nararamdaman pero hindi pa ko nababaliw ha? Masaya kasi siyempre tipid sa pamasahe at sarili mong bahay yun e and at the same time siyempre malungkot kasi kung baga napamahal na ko sa mga kasamahan ko sa opisina at walang katumbas ang bonding ko sa kanila sa loob ng anim na buwan. Kahit sabihin pa natin magpaalam sa akin ang mga naging girprin ko mas malungkot pa din talaga ito at itretreasure ko ang bawat moments na kasama ko sila.

No comments: