Makikita ang mga salitang ito sa bawat istasyon ng LRT, may kasaamang larawan ng ating pangulo na si GMA habang may suot siyang isang malaking medal. Ngunit pagtinignan natin sa survey ng SWS ay makikitang majority ng mga pinoy ay naghihirap na o masasabing tubig na may asin na lang ang kayang ihain sa kanilang hapag-kainan. Ramdam nga ba ang kaunlaran? Kung ikaw ang tatanungin? Ganito kasi ang isang madaling logic upang lubos ninyong maintindihan, "Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap". Parang 1+1=2 lang nung ikaw ay nasa elementarya pa, nakakatuwang isipin na kahit sa likod ng kahirapan at mga problemang dumarating sa ating mga pinoy ay nakukuha pa nating magjoke at tumawa. Parang pagnanonood kayo ng WOWOWEE, sory di ako nanonood nun papi. Dun mu makikita na ang bawat pinoy ay nakakaranas na ng matinding krisis, andyan na pumila sa broadway para lang makasama sa itaktak mo, makipagsiksikan sa ABS at makaranas na mastampede para lang sa konting halaga. Yung akala nila na grasya ay napunta sa disgrasya, sinasabi nila na ang pinoy ay napaka 'versatile' sa kadahilanan na kahit anung trabaho kayang gawin, kung titignan natin isa itong papuri at nakakatuwa yun, pero kung ako tatanungin ayon na din sa mga napapanood kong balita sa TV, naririnig kong balita sa radyo, nababasa kong balita sa dyaryo at nadadaanang kaganapan sa kalsada ako ay nalulungkot, bakit? kasi lahat ng pwedeng pagkakitaan ay papasukin ng pinoy kahit masama. Kahit na makakaapekto pa sila sa maraming tao at maraming inosente ang madamay.
Madame ng lumabas na makabagong Moises, isa na dito ay si Jun Lozada, ay mali pala muntik lang palang maging Moises. Yung akala ng madameng makapagliligtas sa mga tao ay natabunan ng bigas. Nakakatawa pakinggan pero totoo, uunahin ba naman nating mga pinoy ang pagpapatalsik kay GMA kung kumakalam naman ang ating sikmura, nakikita natin umiiyak ang mga anak at naghihingalo ang kapitbahay sa gutom? Haayy ang masasabi ko lang ay "No Comment" sa aking opinyon kasi kahit sino pa ang ilagay niyong presidente ay wala naman magbabago unless palitan lahat ng mga tao sa senado, kongreso, malacanang, at sa mga barangay hall. Pero kung si Bearwin Meiley ang ilalagay pwede pa, mamajikin niya lahat ng mga anumalya sa kongreso, babalasahin na parang baraha ang mga nasa senado at iteteleport sa Mars ang mga kurakot sa barangay. Ang pamasahe sa jip ay mahal pa sa isang bote ng RC, at halos kapresyo na ito ng maliit na nova, kung ang pupuntahan mo ay malapit lang naman at di na kinakailangan na sumakay ng barko o ng eroplano ay mas mabuti pang maglakad ka na lang at isipin mo na lang na Health is Wealth at ang iyong ginaagawa ay isang ehersisyo lamang. Hay buhay!

No comments:
Post a Comment