Haaayyy buhay... talaga nga naman ang buhay ng tao ay parang gulong, minsan nasa taas ka at minsan nasa ibaba ka, at minsan pag talagang dumapo sa iyo ang kamalasan at nakapagdecide na itong kumapit sa iyo ay magugulungan mu pa ang isang malaking "tekla" sa daan stands for "problema, abirya, kasalanan" at marami pang iba. Bakit nga ba lahat ng taong nasa itaas ay ayaw ng bumaba o maranasang bumalik sa kanyang pinaggalingan? Lahat kasi ng tao ay nabubulag sa sinasabi nilang paiba-ibang anyo ng kasalanan. Ang kasalanan ay ang sinasabing makapangyarihan pagdating sa panunukso, wala akong panama pagdating sa tuksuhan. Unang anyo, anyo ng "PERA" lahat ng tao aminin man natin o hindi at talagang mahirap at masakit tanggapin ang katotohanan, ang isang tao kapag nakahawak ng madaming salapi ay maari nyang bilhin lahat ng gusto nya at wala siyang pakialam kung kailangan nya ba ito o hindi? kung masasayang ba ito o hindi? kung makakatulong ba sa kanya ito hindi? kung mapapasama ba siya dito o hindi? Mauubos ang pahina at aantokin lang kayo kapag sinabi ko lahat ng pwedeng gawin ng taong madameng pera. Bakit kaya hindi ganito na lang ang gawin niya. Una, pumunta siya sa pinakamalapit na simbahan at subukan magdonate kahit 1/4 lang ng kanyang kita. Pangalawa, dapat pag nagbigay tayo hindi naman dapat malaman ng ibang tao na ikaw ang nagbigay nito, hindi ka naman pulitiko para kailangan mung pabanguhin ang image mu di ba? at pang huli dapat pag tumulong tayo hindi dapat tayo nahihintay ng anuman kapalit na magmumula sa taong tinulungan natin.
Dumako naman tayo sa pangalawang anyo ng kasalanan, ito ay ang anyo ng "POWER". Gagawin kong halimbawa ay ang mga tao sa pulitika, huwag po kaung magalit kung sakaling mababasa niyo itong blog ko. ayon nga sa kasabihan na "Walang personalan, Hobby lang" at "Bato bato sa Langit ang tamaan Pangit" ay hindi sa tinitira ko kayo o ako ay nagpapanggap na kaalyado ni Erap. ang nais ko lang naman iparating na dapat kasi kapag tayo ay naatasan ng kapangyarihan mapapulitika man o sabihin nating ikaw ay officer ng isang organization ay hindi mu dapat inaaabuso ang iyong kapangyarihan. Binibigay sa taong karapat dapat ang kapangyarihan o authoridad upang maging maayos ang kanyang sinasakupan, kanyang under, kanyang pananagutan. Hindi upang mapasama o akayin sila sa maling mga gawa.

No comments:
Post a Comment