"Bakit ginagalang ka ba ng mga naging girprins mu?" yan ang salitang hindi namin makakalimutan ng mga business partners ko. Isang araw bago dumating ang aming pagtatapos o pagmarcha ay napagdesisyunan namin na magmall. Nung una tatlo lang kame ako, si Only at si KJ, masaya kami na pumunta sa mall habang magkakahawak ang mga kamay at behave lang, subalit meron kaming isang kaibigan na itatago ko na lang sa name na Dung. Unang kamalasan, ng dumating siya ay napagdesisyunan ng langit na siya dapat ay kumulimlim at magsungit, kami tuloy ay nangamba na baka abutan kami ng ulan, at nakwento niya pa na makikipagkita pala siya sa mga tropa niya. Meron kasi silang samahan na kung tawagin ay TBS stands for "Tropang Bisaya sa Syudad" at ang kanilang paboritong genre ng kanta ay RNB stands for "Rap Ng Bisaya". Pangalawang kamalasan, ng kami ay pauwi na at papuntang parking lot ng mall, ay bigla na lang ayaw magstart ng sasakyan ni KJ. Kaya kame ni Only ay no choice kundi magtulak, kulang na nga lang ay cameraman at ilang piling staff ng pinoy records at ang host na si Manny Pacquiao sa haba ng tinulak namin sa nasabing sasakyan. Pangatlong kamalasan, ng kami ay nasa expressway na ay biglang lumakas ang panahon at biglang nagkaroon ng photoshoot sa langit sa sobrang liwanag ng mga kidlat at lakas ng kulog, ng paakyat na kame ng tulay ng bulacan ay biglang nagkatrapik at biglang ayaw ng umandar ng mga sasakyan sa paligid na para bang gusto na nila manirahan sa kanilang sasakyan. Haayy.. gabi na maaga pa kame bukas sa pagmarcha, bumaba na kame ng sasakyan ni only at nag-abang ng jip. basang basa kame ng kasama ko at tanging tuyo na lang sa amiung suot ay ang aming brief, nakaramdam ako ng ibang ligaya ng kami ay nakasakay na ng jip. Dito na naganap ang huling kamalasan sa araw na iyon, ng magkaroon ng banggaan ang dalawang sasakyan, isng truck ng beer at tricycle na puno ng repolyo. Nagsanhi ito ng grabeng trapiko at tagal ng pagiintay sa mga pasahero. Ang tanging nasabi ko na lang ng ako ay makauwi ay "Malas naman!!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment