Alam nating lahat na ang bawat tao ay kinakailangan pumunta sa eskwelahan para matuto at makapulot ng mga bagong kaalaman. Masasabing ang ang ating unang guro ay si "nanay, mama, mommy, ma ma, ina, inang" at kung anu man ang tawag mu sa nanay mu. Pero ang tinuturo nila ay hindi sapat upang ikaw ay maging isang tinatawag nilang "Professional".
Sa aking pagkakatanda limang taon ako ng una akong nakaapak sa eskwelahan, pero bago ako nakarating sa sinasabi ng kuya ko na magandang lugar ay halos dumaan ako sa butas ng karayom, nakipagsapalaran sa mga letra, kinilala ang bawat kulay, at pinilit makipagayos sa mga numero. Tama ang sinabi ko nung una, ang aking ina ang una kong naging guro, subalit kung siya ay naging isang matagumpay na guro siguro ay siya ay matagal ng kinasuhan ng mga batang hawak niya ng "child abuse and physical injury", tama ang nababasa nyo, hindi sa sinisiraan ko ang nanay ko. Laking pasalamat ko sa kanya, sa mga ginawa nyang pagpapahirap as akin. Kasi kung di nya ginawa sa kin un hindi ko matutunan ang mga bagay na dapat kong malaman. Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa ng aking kalbaryo: Una, ng unang beses na sinubukan kong makipagkaibigan sa mga numero, ang buong akala ko sila ay friendly, subalit ako ay nagkamali na naman sa pangapat na pagkakataon. Bawat mali ko sa addition, subtraction, multiplication at division ang katumbas ay luhod sa munggo. Aw! di ba? Pangalawa, ng sinubukan ko naman na kilalanin tropa ng mga alpabeto, sa loob lang ng isang linggo ay nakibasado ko ang buong alpabeto na kala mu ay ako ay isang taga recto na kayang iupgrade ang sarili pag malapit na ang pasahan ng thesis ng mga bata. Kapag may nakalimutan akong kahit isang letra sa tropa nila ay pinapasulat sakin ito ng aking ina sa isang malaking take note "MANILA PAPER" back to back, single spacing. At ang panghuli ang pinakagusto ko, ng maging katropa ko ang mga kulay, oops!, nga pala pagdating sa kulay ang aking erpats ang nagturo sakin nyan, siya kasi ay isang artist o pintor. Kaya kahit papano ay nabahiran ako ng konting mantsa ng kanyang talento sa pagguhit. Meron nga ba? Kapag nakakalimutan ko naman ang tawag sa kulay na yun ay pinapasabi sa kin ito ng aking ina ng madameng beses na para akong sirang plaka o kaya naman ay naghang na PC.

No comments:
Post a Comment