Friday, May 9, 2008

National Anthem

Mahalaga din ang magkaroon ng National Anthem. Isa ito sa nagpapakilala sa atin bansang Pilipinas. Kung ang theme song nga ng palabas na Ulingling, Pangako sa yo, Zaido, Kungfu kids, Super Inggo at kung anu anu pang palabas sa telebisyon ay kabisado ng bawat mamayang pilipino, ngunit bakit ang ating Pambansang awit ay hindi? Sa aking palagay, ito ay palagay ko lamang, kasi sa buong mundo tayo lang ang tanging bansa na papalit palit ng "national anthem", Panu ko nasabi? ganito yun, natatandaan mu pa ba ang kantang "Macarena"? halos lahat ng tao sa aming barangay mapa bata, matanda, teenager, binata, dalaga, nagpapakadalaga, nagpapakabinata, pusong lalaki, pusong babae, pusong mamon, pusong saging, pusong bato, siga, mamatay tao, pari, sakristan, pulitiko, nagtitinda ng dyaryo, nagtitinda ng yosi, namumulot ng bote ng C2 at madame pang iba ay alam ang step ng macarena, at mas kabisado at proud siyang kantahin at sayawin yun kesa sa ating Pambansang awit.

Sumunod na nauso sa pinas o ang tinatawag nilang "Dance craze" ay ang ASEREJE na patok na patok sa buong mundo at balak pa ngang palausin ito ng black and white movement in music industry. Kasi ba naman may sa demonyo daw ang nasabing kanta. Malamang kahit anung kanta pag binaliktad ang lyrics ay magtutunog kulto o nagtatawag ng maligno at kung anu anu pang engkanto. Subalit di sila nagwagi at talgang lahat ng tao ay nabaliw sa Asereje kahit ang trapik enforcer sa may C3 ay ginagamet at sinasayaw ang ito.

Dumako naman tayo sa makabagong panahon, ng nauso ang tinatawag nilang RNB naging angat sakanila ay ang kantang "Dont Matter" ni Akon at balak pa ngang iparating ito sa kongreso at gawing national anthem. Pero may sariling version ang mga kapatid nating inday at dudung nyan, ang title ay "Dung Matir". Maririnig mu sya sa jip na biyaheng blumentrit-novaliches, motor na XRM na ang downpayment ay 5k lang may motor ka na, at mga ipod ng bawat tagapakinig.

No comments: