Friday, May 9, 2008

Biyaheng Langit

Anu ba ang deskripsyon o unang pumapasok sa utak mo kapag sinabing langit? Kung ako ang tatanungin mo ay simple lang ang alam ko, ito ay ang destinasyon ng bawat taong may busilak na puso at walang alinglangang tumulong sa kapwa ng walang inaantay na kapalit. Tama o tama? Tama siyempre, pero kung tatanungin mo ang isang bata kung anu ang nasa isip nya kapag sinabing langit ay isa lang ang maririnig mo "dun nakatira si papa Jesus at mama Mary, tapos madameng angels dun, tapos madameng clouds doon, tapos madameng usok na puti doon, tapos.. hindi na natapos ang katatapos ni Boying. Kung sabagay tama naman ang mga sinabi nya di ba?

Bakit ko ba natanong ang ganyang bagay? Kasi habang ako ay nasa jeep papuntang Lrt, may nakasabay ang jip namin na bus na ang tatak ay Filipinas busline at todo todo sa harurot ang sweet lover na drayber. Kapag iyong pinag aralan o pinanilay-nilayan ang kanyang act ay ito ang mga maiisp mo: siguro natatae siya? siguro madame siyang pamilya na kailangan suportahan? siguro nakikipag karera siya kay Bogart? siguro idol nya si Speed ng Speedracer. Madaming pwedeng dahilan ang ibigay nya sa MMDA na nanghuhuli sa kanya kung sakaling siya man ay mahuli, maari nyang bigyan ng "token","lagay","pangpadulas","entrance fee sa edsa","toll fee sa valenzuela" at iba pa... at ng saktong ang jip namin ay nasa bandang pwitan na ng bus ay napakanta ako ng "Ate! nasa langit na ba ako? Mama? kau po ba si San pedro".. Huwow! heaven sa sobrang kapal ng usok at parang ang ilong ko ay kinikiliti ng mga feathers na galing sa pakpak ng mga anghel sa langit. Dali-daling hinabol ng drayber ng jip ang drayber ng bus na tila sila ay nasa isang pelikula at naalala ko tuloy ang nilalaro kung nung ako ay nasa freshman pa lamang. NFS"Hot Persut 2" tuwang tuwa ako sa mga nagaganap at ramdam ko na ang intense sa aking puso ay pataas ng pataas, ng maabutan ng drayber namin ang drayber ng filipinas ay walang pagtitimpi na ginamit nya ang mga salitang hindi dapat marinig sa bunganga ng isang matinong tao. Nakapagmura siya, lahat ng mura form A to Z ay nagamet nya kasama ang "enye" at "enji".

No comments: