Sunday, December 6, 2009

Kartoons

Habang nanonood ako ng Baki the Grappler naisipan kong gumawa ng kwento tungkol sa cartoons, ang cartoons ay naging kasabayan na natin sa paglaki nung tayo ay mga bata pa. Maraming klase ang mga cartoons may comedy, horror, fantasy, action, love story at kung anu anu pa. Ikaw ay paborato ka bang cartoons? Kung wala!, ikaw ay isang batang ewan ko ba kung nilabas ka nung ikasyam na buwan sa tiyan ng nanay mo, kasi hindi mo alam ang cartoons, ikaw ata ay isang alien o isang tinatawag nilang Unidentified Flying Object (UFO). Napakadaming sikat na cartoons tulad nila Voltes 5, Daimos, Eugene, Recca, Hanamichi, Ikuwichi, chichi, buchi, lahat ng may chi, pikachu, Ippo Makunochi, Coach Taoka, Doding Daga, Dora the Explorer at napakarami pang iba.

Ang isa lang sa pinagtataka ko Bakit halos lahat ng Japanese anime character ay nagtatapos ang pangalan sa "chi"! tulad na lang ni Hanamichi, Makonochi, Ikowichi, at Pikachi (Hindi si Cherry pie!) Kung mapapansin nyo na ang mga bida sa catoons ay parang may mga lahing pusa siyam ang buhay hindi namamatay. Ito pa isa, kung mapapansin nyo Bakit kea laging talo ang mga kontra bida sa mga bida? Hindi ba pwedeng minsan naman ay matalo naman ang bida sa mga kontra bida? Sa palagay ko hindi, kasi wala ng mga batang gugustuhin pang maging superhero o bida pag ganun ang nangyari, mas gugustuhin pa nilang maging si Depective na kalaban ni Lupin.

Ang cartoons o anime kapag bago pa lang ini air sa tv, pansinin nyo laging bitin. Masyado tayong sinasabik para talgang abangan natin ang bawat episode, na hindi nyo napapansin na sampung hapunan na pala ang nalagpasan ninyo kakaabang sa kanila. Naging malaking impluwensya ang mga cartoons sa buhay ng mga tao lalo na sa mga bata, nagiging emotional tayo masyado kapag nasasaktan o namamatay ang bida. Tulad ko nung akal kong namatay na si Eugene sa Ghost Fighter, lungkot na lungkot ako at halos hindi ako nakakain ng limang agahan, sampung tanghalian at pitong hapunan. Buti na lang after 3 years naisipan ng GMA7 na ireplay ito,

1 comment:

mari_screams said...

potek! hahaha