Isang araw, lumabas ako para bumili ng candy sa tindahan. Nakakita ako ng dalawang bata na nagtatalo malapit sa gitna ng kalsada, nilapitan ko at inakbayan ang dalawang bata. "Bakit kayo nagaaway?" sabi ng isang bata "Kuya kasi siya ang yabang e!" nung aking natuklasan kung anu ba talga ang naging ugat ng away nila ako ay nanlumo. Yung isang bata ay pinagyayabang ang kanyang holen nas kasing laki ng itlog ng manok habang yung batang inaasar niya ay kasing laki lamang ng itlog ng butiki ang holen. Mabuti na lang kamo at hindi umabot sa Barangay ang problema nila.
Pagbalik ko ng bahay, nakita ko ang tatay kong bagong ligo at ang sabi niya "Nak, paabot nga ng Rugby!" dali dali ko siyang sinuway sa kanyang utos at sinabing "Tay! mag gel na lang kayo magkanu lang naman yun wag na po rugby! Tay wag po!" sabi ng tatay ko "Gung gong ka! didikitan ko lang yung sapatos ko sira na kasi at aalis ako." Pagtingin ko sa sapatos niya, akala mo'y yung sapatos nya ay isang chickababes na nagpapakyut at nakasmile sa akin. Nakangit na ang sapatos nya at kita ko ng ang hinlalaki ng kanyang paa at konti na lang ay dudungaw na din ang hinliliit.
Sa susunod na tayo ay magpapakita ng concern sa ating kapwa, siguraduhin nyo lang na talagang Concern ang mararamdaman ng taong gagawan nyo ng pabor at hindi Cancer sa lipunan ang dating, ung tipong salot, pabigat at walang kwenta. Kung baga sa mga pollution, ikaw ay human pollution!
Sunday, December 6, 2009
Tay, wag po!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tae ka!
Post a Comment