Sunday, December 6, 2009

Math Tym

Math na naman, hay makakasalubong ko na naman sina Sine, Cosine at Tangent. Bakit kaya ganun kailangan pang pagaralan yung mga ganun bagay? E hindi ko nga naman magagamit yun pagbibili ako sa tindahan, parang ganito "Aling Norma!, pabili nga po ako ng toyo over a very very large number peta" o kaya naman "Aling yolly! paload nga po ako ng 30 point 50 cosine 35 degrees to the power of 10 base 8 square root of 7 times the number of your age!"

Nakakainis talaga!, kung buhay pa siguro yung nakaimbernto ng Mathematics malamang binaril na din siya sa Luneta, at malamang ang mga babaril ay yung mga estudyanteng masyadong mahal ang Math na halos maging kaklase na niya ang apo niya dahil hindi sila makapasa pasa sa math. Siguro nga kasi nung naglelecture ang mga teacher ko sa Math ay lage akong absent, pati sa bahay namin ay pinapalaganap na ng nanay ko ang math. Minsan nalate ako ng uwi ng bahay ang sabi ng nanay ko "San ka galing? gusto mong MINUS an ko yung baon mo?" ang sabi ko "Nay naman! nakaLOWEST TERM na nga yung baon ko e, baka naman po pwede kayong magADDITION kahit konti!" sabi nya "Alam mo ba anak na nakaSQUARE ROOT na ang mga utang natin, di ko na nga alam kung paano idiDIVIDE ang pera natin sa pang araw araw na gastos e." Buti na lang kamo at naSYNTAX ERROR ang nanay ko at ayun nakatakas ako.

Hay! ang Math nga naman parang pigsa, kung saan saan sumusulpot!

2 comments:

mari_screams said...

nakakahilo yung blog mo parang math.. pwede ba palitan mo ng kulay yung font?

Lance said...

nkktuwa nmn t0..hehe. uu tma klngan pgpltn ung kulay ng font at backgr0und..