"Hoy gumising ka na jan tanghali na!!!" yan ang unang pagbati sakin ng aking ina, kung ang isang titser ay may "gud morning ma'am" sa kanyang istudyante, ako naman ay ganun. Ngunit ang aking araw ay hindi kumpleto at "I had a bad day" ika nga ni Daniel Porter kapag di ko naririnig o nakikita na ang aking ina ay iritable sa kin. Dali dali akong bumangon sa kama na parang nasa PMA at seminaryo, ang bawat minuto ay mahalaga ang bawat segundo ay kinakailangan ng matinding pansin. Pagpunta ko sa lamesa upang tignan ang pagkain, ako ay nagulat at namangha sa king nakita. Ang mga langgam ay nagkakandarapa sa pagpapak sa aking pandesal at daig pa nila ang mga tao na napanood ko sa TV kapag fiesta ng quiapo, moriones festival sa Marinduque, Flower festival sa Baguio, dinagyang festival sa cebu, premiere night ng palabas ni kim chui at gerard at higit sa lahat pila ng bigas sa tindahan ni gloria. Ako naman ay walang selan pagdating sa pagkain sabi nga ng lola ko "Nakakaganda ng boses ang pagkain ng langgam apo" kaya simula ng sinabi ng lola ko yun ay wala ng langgam ang tumatambay sa lalagyan ng asukal namin. Nilantakan ko ang limang pandesal, dalawang itlog, isang sausage at isang basong milo ng buong galak at walang halong pagkaumay. Ngunit ng aking naamoy ang aking sarili ako ay biglang napaisip kung kelan ba ko huling nakaligo, amoy unan na ko na hindi pa pinapalitan hanggat hindi dumarating ang sixth monthsary ng mag asawa. Kinuha ko agad ang aking tuwalya pumasok sa CR, umupo sa "goldvest" tatak ng bowl namin at nagconcentrate. Hmmm.. ang bango ko na, pumunta ako sa labas upang kumuha ng damet sa sampayan, snaksak ang plantsa, nilagyan ng tubig ang lumang bote ng aficionado at hinintay uminit ang plantsa. First day klase kaya dapat pormal ang aking isuot, kinuha ko ang polo na kulay pula at ang disenyo nya ay chekered at panatlon na kulay kaki. Pinlantsa ang bawat sulok ng damet, pinasadahan ang bawat liston ng pantalon at shinine ang aking leather na world balance. On the go na ko, hingi ng baon sa nanay at magpaalam kay tatay. Malas ko lang kasi ang nasakyan kong trike ay si Mang Luis ang lalaking counter part ni Maria Clara, mas mabilis pa ang batang four years old sa kanya kung maglakad, at ito pa habang kayo ay nasa biyahe para nga naman hindi ka mainip sa kanyang napakabilis na pagmamaneho ay kwekwentuhan ka nya ng kanyang buhay na nakakatawa. Minsan nga hindi ko namalayan na nasa kanto na pala ako at halos hulihin na siya ng mga red boys sa kasong over parking. Nasa bus na ko, ang bawat tao ay lubhang masaya sa pagbiyahe, kung sabagay useless nga naman ang nakasabit sa may rear mirror ng drayber na nagsasabing "Happy Trip at Huwag Umidlip".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment