Sus Ginoo! muntik na kong lumagpas sa Munoz.. buti na lang at akoy nagkamalay tao sa may bandang royal, ang akala ko ay makikita ko na naman ang babaeng nakatayo sa may ortigas. Nagmadali akong nakipagsiksikan sa mga tao para makababa sa tinatawag nilang "Aircon Bus" na hindi ko alam kung saan bang parte ng bus ang malamig. Pagbaba ko ng bus ay tumingin agad ako sa aking paa at sinipat kung ito ba ay kulay oreo na naman sa sobrang dungis, ang buong akala kasi ng mga mga kasakay ko ay umaapak sila sa doormat na may nakalagay na welcome at hindi lingid sa kanilang kaalaman na ang kanilang inaapakan ay ang aking paa. Eew.. Dah.. Yak! sabi sakin ng dalagang katapat ko sa jip. Poteks!! kung makapagsalita ay kala mu naman ay kasing ganda siya ni Hana Kimi, kumuha ako ng pangbayad sakin pitaka at nagbayad kay manong. Naalala ko ang sinabi sakin ng nanay ko na ang landmark o palatandaan ng lugar na kung tawagin nila ay "short horn" ay may McDo na ang katapat nya ang tayaan ng lotto at katapat naman ng tayaan ng lotto ay mercury drug na ang katapat naman ay 711. Sumakay ako ng tricycle at tinanong ako ng drayber na para bang si Willie Revillame, "Taas o Baba?" at sumagot ako ng may halong pagdududa at patanong "Baba po papi!!". At gaya nga ng nabanggit ko sa unang post ko na ang palatandaan kung ikaw ay nasa balwarte na ng nasabing eskwelahan ay napakadali lang mapuna.
Bumaba na ako ng tricycle at buong tapang na naglakad papuntang gate, hinarang ako ng gwardiya at hinahanap ang aking "CUR", di ko magetz kung anu ang hinahanap nya, yun pala ay "COR" sorry naman at mejo may defect si manong sa pagsasalita. Mahahlata naman ng kahit sinong tao kung ang isang bata ay freshman pa lang, bibigyan ko kayo ng mga halimbawa o preweba tungkol sa bagay na yan; 1) kung ang bata ay nakayuko maglakad; 2) kung ang bata ay lageng hawak ang kanyang COR; 3) kung ang bata ay naka 2x3 ang gupit at ang huli ay 4) kung ang suot nya ay mukhang pinang christmas party nya pa nung hayskul pa siya. Umakyat ako sa third floor at hinanap ang room ko, ng aking mapuna ay isa pa lamang ang tao dun. Isang lalaki na nagngangalang Gubat, si Gubat ang una kong naging kaibigan sa nasabing eskwelahan. Naging magkaututang dila kame, magkasama sa kalokohan, katalinuhan, kagalingan, sa pangchchix. ay uu nga pala may nakalimutan pa ko, tatlo pala kame ang isa ay si Grasa.

No comments:
Post a Comment