Thursday, December 3, 2009

Pagbabalik tanaw

"Nay nay kelan po ba ako magaaral?", tanung ng bawat batang nakikita ang kanilang mga kapaitd na naghahanda para pumasok sa eskwelahan. Bagong sapatos, mejas, blouse, pantalon, bag, lapis, ballpen, pencil case na maraming pindutan at eraser na mabango at amoy prutas. Naalala ko nung bata ako, nakailan beses akong pinagalitan ng nanay ko dahil tanong ako ng tanong kung kelan nya ba talga ako ieenroll sa day care center. Gusto ko na rin maghakot ng sangkatutak na notebooks sa national, bumili ng isang set ng coloring materials at isang malaking bag na kasya pati gamit ng kaklase ko. First day sa school, kabado ako parang ang lawak na kasi ng mundo ko madaming tao ang naglalakad at nagmamadali sa corridor habang nakatingin sakin na parang may banta sa buhay ko, pumasok ako sa isang maliit na classroom na punong puno ng bata. Nagdalawang isip ako kung papasok ba ko o hindi kasi mukhang mali ang napuntahan ko ang sabi ko kasi sa school ako pupunta mukhang sa Worlds of Fun ata ako napadpad sa dame ng batang naglalaro sa loob. Iba iba ang mga itsura ng mga bata dun, may maitim na parang anak ni obama, maputi na parang anak naman ni clinton, may payat na pwedeng magtago sa likod ng ruler, may mataba na kapag tinimbang mo ay masisira ang mga spring ng timbangan, may mukhang grade 6 na kasi bata pa lang may bigote na, meron ding mukhang kakalabas lang ng ospital at kakaputol lang ng pusod at marami pang iba. Sa loob loob ko, "Mukhang magiging masaya ang taon na to!"


Nagumipsa na ang klase, isa isa kaming nagpakilala, may mga batang ganado at sinasabaw sa kanin ang enervon kid syrup todo kwento sa buhay nila at kulang na lang pati suking tindahan nila ay sabihin. Ngunit may isang bata ang nakakuha ng aking atensyon ang pangalan nya ay Abbi, siya ay isang mapayat na batang babae na ayon sa mga naririnig kong chismis ay pinaglihi daw sa dahon ng makahiya, ang kanyang boses ay kasing lakas ng boses ng mga langgam kapag nagkakasalubong at nagtuturo kung saan meron pagkain. Ayun! its my turn, una binati ko sila ng "Good Morning teacher Good Morning classmates Praise be Jesus and Mary" turo sakin yan. Nagtataka ako kung bakit lahat ng klasmeyt ko ay nakakunot ang noo at namumula ang mga mata, mukhang alam ko na kung bakit, ENGLISH kasi yung pinang greet ko sa kanila. Kaya binawi ko din ang sabi ko na lang "Magandang Umaga sa lahat" at lahat sila ay sumagot ng "Magandang Umaga din!" ayun naman pala ang akala ko ba naman galit sila sakin.

Dumaan ang maraming taon at sa awa ng Diyos na maykapal hindi naman ako nakaranas na bumagsak. Puro palakol lang para akong merchant nakakahiya man aminin e talgang ganun! hindi kumpleto ang buhay studyante kapag di ka nakaranas nun. Masarap magaral! Masarap talaga!

1 comment:

mari_screams said...

very inspiring talaga. naiyak ako at na-touch. Di ko akalain na may mga akda na kasing ganda nito.