Nung ako'y nakatapos sa hayskul, pinagpasyahan ko na sa malayong lugar mag-aral upang kung sakali na ako ay maglalakwatsa hindi ako ma CIA ng aking magulang at mga chismosang kapitbahay. Ako po ay nagaral sa A**** sa Quezon City, isa siyang liblib na eskwelahan sa dulo ng isang subdivision. Madalli lang malaman kung ikaw ay nasa A**** na: una, pag ang tricycle ay huminto na at ang drayber ay umaaktong kukunin na ang bayad mu; pangalawa, kapag nakita mu na ang isang playground na ang nakatambak ay hindi mga siso kundi mga buhangin at graba at pangatlo, kapag nakaamoy ka na ng usok ng yosi at nakakita ka ng mga upos na kasing taas ng mga buhangin na nakatambak sa playground. Ako ay naengganyo sa kanilang tinatawag na "Commercial" sa TV at ako ay nagbaka sakali na makita ko si Jolina Magdangal, ang una kong ginawa ay kumuha ako ng entrance exam sa guidance office sa harapan ng catwalk. Ako ay talagang kinabahan sa kadahilanan na hindi ako handa sa pagkuha ng exam at kailangan ko pang magreview ng puspusan upang ako ay makapasok sa sinasabing eskwelahan. Nung ako ay pumasok sa testing room ako ay biglang nakaramdam ng kung anung kaba na para bang gusto kong magkulaps, ganito ang nararamdaman ko kapag alam ko na may kasalanan ako at sasabihin ko ito sa aking mga magulang habang iniisip ko kung gaano kasakit ang hagupit ng sinturin ni Dad. Hindi ako makahinga at halos parang gusto kong ubusin ang tubig na nakikita ko sa water dispenser, ng nilapag na ang test questionnaire sa aking harapan may naramdaman akong ibang lakas na dumaloy sa aking nervous system. Dali dali kong binuksan ang questionnaire at ako ay nagulat sa aking nakita. Ang mga tanung ay napakahirap at kung pwede lang sana na ako ay mag bak out ginawa ko na at pipindutin ko na ang buzzer sa aking tabi at sisigaw ng Deal!!!!!
Wednesday, May 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment